Look Breakdown

1. Make Up Forever High Definition Primer- This primer smoothes your skin and prepares it for BB or foundation. It diminishes the size of pores and gives you a lovely complexion ($34)

2. Maybelline Dream Fresh BB- BB cream evens skintone and hides blemishes, this Maybelline BB is cheap and easy to find in US stores ($7.50)

3. Make Up Forever HD Microfinish Powder- Powder sets in foundation or BB for longer wear, and helps to reduce the appearance of imperfections while mattifying skin ($32)

4. L’Oreal Color Riche Le Gloss in Peach Fuzz- This lovely peach shade adds natural color and gloss to lips, giving you a fresh look ($6)

5. L’Oreal Paris Lineur Intense Felt Tip Liquid Eyeliner- Any eyeliner pen helps contour and open up the eyes ($6.5)

adidas Originals by Jeremy Scott x 2NE1 JS Wings

Another one for christmas:

As part of the adidas Originals by Jeremy Scott Fall/Winter 2011 Collection, the designer once again manages to cook up an attention seeking colorway of his JS Wings sneaker, this time in collaboration with Korea’s 2NE1 girls.

Designer Jeremy Scott recently fell in love with the 2NE1 girls, and so he dreamed up this version of the adidas Originals JS Collage Wings shoes. Vivid colors and vibrant tones collide with edgy collages, faux fur details and Scott’s legendary wing design, creating a signature 2NE1 sneaker.

2NE1 is an iconic female girl group, who stands at the very front of the uprising Korean pop culture wave, which is spreading throughout Asia and increasingly around the world. 2NE1 not only has a reputation as being one of the top acts in Asia, but also as leading fashion icons

This for Christmas:

Eason Chan x adidas Originals by Jeremy Scott JS Wings

Jeremy Scott and Cantopop star Eason Chan present a new JS Wings colorway to ring in the upcoming Chinese New Year, featuring, of course, a bold and colorful design. First previewed in a teaser image last week, the Eason Chan x adidas Originals by Jeremy Scott JS Wings features a blue base covered with elaborate floral embroidery. 

Read more: http://solecollector.com/news/eason-chan-x-adidas-originals-by-jeremy-scott-js-wings/#ixzz2lnqgaVEs

Zinc Bunny Bag

my currently fave. k drama thanks to KBS World

GHOST

'Cause every gift, every letter, every promise of forever
Now, it’s out of sight
Like you were never alive

And now you’re just a ghost
When I look back never would have known that
You could be so cold
Like a stranger vanish like a vapor
There’s just an echo where your heart used to be
Now I see it clearly
And there’s just a pillow where your head used to sleep
My vision’s 20/20
I see through you now

So rest in piece
I see you on the other side

and were back

#giogahol

Jb: wag isuko ang bataan (ito’y galing sa puso ng kaybigan kong oso)

August 11, 2013 at 7:22am

iniharap niya ang sarili sa katotohan, pumanig siya sa direksyon kung saan tahimik na nakapwesto ang kalendaryo. gamit ang hintuturo binilang niya pababa ang natitirang araw bago ang dapat sana’y masayang selebrasyon. saktong limang araw mula ngayon ang dapat sana’y pangatlong taon nila bilang magkarelasyon.

"hindi nga ako si Sleeping beauty, gising, Aw… gising!", tinampal tampal niya ang magkabilang pisngi at pilit na inaalo ang sugatang kalooban.

hindi ito ang oras para manghinayang siya at alam niya ‘yon, halos anim na buwan narin naman kasi ang nakakalipas. kumbaga, paso na ang kontrata niya para masaktan pa. pero ayaw magpadomina ng kahinaan niya ramdam parin niya ang yakap, pagaalala at paghalik sa kanya ni D. sa susunod na limang araw, ‘yon na ang pang pitong buwan na hindi siya nakakadama at nakakatikim ng kasiyahang “haplos-langit” at ramdam na ramdam na rin niya ang pagkakatuyo at pangungulila ng sinegwelas niya sa tuwing magkakaro’n sila ng saglit na kumprontahan sa tapat ng salamin.

nilaro niya ang dila sa loob ng bibig dahilan para umumbok ito sa pingi. nag-isip. tinaas ang kaliwang kilay, pumamewang at nagpapalit-palit ulit ang umbok sa dalawang panig ng ga-siopao na pisngi, bumubilis hanggang sa tumigil sa isang parte ang umbok, itinaas niya ang manggas ng lumaylay na tenga ng t-shirt, muling nag-isip pero hindi ganon kalalim. maya-maya pa’y tiningala niya ang ulo’t halatang may pinipigil na tumulo, pinagdikit niya ang mga labi ‘saka ibinalik ang tingin sa kalendaryo. tahimik niyang sinisinghot ang sandali ng paiisa, hanggang pabilis ng pabilis ang singhot na nauwi sa isang hikbi at unti-unting naupo sa sariling binti.

aminado siyang may mali na sa kanila pero pikit mata niya ‘tong tinama. alam niyang may pagkukulang na siya pero pinilit niyang punan ang bawat puwang para mabuo at masalba ang pa-panis na nilang relasyon. pero sa kabila ng lahat ng maling itanama’t puwang na pinunan, hindi niya inasahan na isang araw babalik mismo sa mukha niya ang lahat ng kulang at pagkakamaling dapat sana’y nagawan niya ng paraan, kung pinagbigyan lang siya ng pagkakataon at ni D.

 tatlong buwan muna bago naging pormal ang Fairytale love story nila ni D ‘nong 3rd highschool sila. tatlong buwan munang nagmukmok si Aw at nagpababa ng panandaliang tama galing sa huling karelasyon. tatlong buwan niya hinilom ang natamong sugat. sariwa pa ‘yon kahit nakilala na niya si D pero unti-unting natutuyo ang langib nito tuwing magkasama sila ni D. Si D nga ang naging dahilan ng paghilom, kaya para hindi na muling maalala at mag-iwan ng marka, tinatakpan niya ng band-aid ang kaliwang braso kahit wala naman itong sugat, simbolo lang ito na gumaling na siya, na may marka pa nga lang sa ngayon kaya tatakpan niya muna para hindi niyo malamang minsan ‘din siyang nasugatan.

 masaya ang simula. unti-unti, natutuyo ang dating sariwang sugat. hanggang sa dumating na nga ang magandang bahagi ng fairytale love story nila ni D, ang introductory part ng kanilang relasyon.  halos sabay sila sa lahat ng bagay at ang pagkain ang mariin nilang pinagkakasunduan, palibhasa magkaklase kaya kontrolado nila ang oras ng isa’t-isa. masaya sila na silang dalawa lang. masaya silang palamuti lang ang ibang tao, masaya na silang ganon lang, na parang sila lang ang espesyal sa mata ng isa’t-isa. dumating sila sa puntong nakalimutan na nila ang halaga ng ibang tao basta magakasama sila.

At ang mainit na bulalo ni D ang tuluyang nagpagaling sa sugatang puso ni Aw.

hinuhuli nilang kainin ang mais nito’t tinitira para sa nakakakilig nilang laro. pinipingas nila ang butil at halinhinan nilang binibigkas

"She loves me", si D.

"You love me, right?", si Aw.

at ang huling butil ay itatago nila pagkatapos humiling na sana tumagal pa sila at sana sila na nga ang nakatadhana para sa isa’t-isa.

ang simula nga naman talaga ng bawat tagpo, sinong magsasabing hindi ka tinamaan ng kilig nung unang beses dinaga ang dibdib mo sa hindi malamang dahilan?

 gaya ng pangakaraniwang relasyon, dumaan din sila sa mga samu’t saring putahe ng problema, nandiyan ang walang kamatayang pagtutol ng magulang, kesho pano na raw ang pag-aaral ng dalawa. mga ekspekulasyon ng mga kapit-bahay, kesho tumataba raw si Aw at baka buntis pa raw ito. nanatiling matatag ang dalawa at parang math problem nilang sinolve ang bawat kontrobersiya, walang formula pero alam nila na tama ng magkasama sila.

nangako si D sa magulang ni Aw, na hanggang hawak-kamay lang muna sa ngayon ang gagawin nito sa anak nila. napanatag narin naman kahit papaano ang magulang ni Aw sa naging pangako ni D. sabay naman nilang kinausap ang mga mahaderang chismosa sa lugar nila Aw. hinarap sila ni Aling Sonia na parang inosente at walang alam sa tinutumbok ng dalawa, siya lang naman ang utak ng lahat ng espekulasyon at kontrobersiya sa lugar. kinompronta nila ito sa pinaka magalang na pamamaraan na kaya nila. walang palag na tatango-tango lang si aling sonia sa naging pag-uusap nila.

 magkasabay sila sa bawat angat at pagkadapa, pag may hindi kaya ang isa siya namang pupunan ng isa. napakapangkaraniwan kung tutuosin pero alam nila na halos ang tatlong taon ay nakatuon sa kanilang dalawa at wala ng iba.

natapos ang highschool, diploma lang ang inakyat nila sa entablado, walang medalya at hindi na sila nagtangka na sumama pa sa huling class picture kasama ang batch, dali-dali sila ‘non na pumunta ng dalampasigan. tinakasan ang buhay kasama ang “sila” at pinagtibay ang konsepto ng “tayo lang dalawa”. akala nila abswelto na naka-graduate sila ng highschool, akala nila pambayad na’yon para sa isang magandang samahan, akala lang nila, pero hindi. bata parin sila na walang kakayahan kundi sumunod.

magkahiwalay silang nag-kolehiyo, nanatili sa probinsya si D at sa Maynila si Aw.

masaya sila ng magsimula hanggang sa naging komplikado ang pagdating nang gitna, malayo na sila sa isa’t-isa hindi na kagaya ng dati na halos hawak pa nila ang oras at madaling ma-remedyuhan kung sakaling may mamuong lamat. pero ‘pag may pagkakataon gaya ng bakasyon ay nagkikita ang dalawa, pero unti-unti nagmumukang estranghero ang isa’t-isa, lumalamig na ang dati nilang mainit na bulalo at hindi na nila pinapakilig ang isa’t-isa gamit ang mais. mabilis nalang nila ‘tong nginangasab na parang wala ang talagang laro para pagkain na ‘yon.

 marami ng ibang tao ang nakapaligid sa kanila na hindi nila namamalayan ang unti-unting pagbabaliktad ng sitwasyong “tayong lang dalawa” pabalik sa dating may “sila”, na hindi fairytale ang kwento na meron sila. na wala naman talagang prince charming at walang babaeng tulog ng mahabang panahon at may mahabang buhok na magigising sa isang halik, isa lamang silang ordinaryong Aw at D na may pinanghahawakang pangako sa isa’t-isa na unti-unting tumutusok sa kanila para gisingin sa nahihimbing nilang fairytale love story.

nang minsan umuwi si Aw sa probinsya walang anu-ano nagmadali itong pumunta sa dati nilang tagpuan. napabalita kasi na madalas daw dito si D na umiiyak at nangungulila sa kanya, dito, sa lugar kung saan unang naganap ang unang paglapat ng murang labi sa buhanginan kasabay ng mga untugan ng alon, na siyang nasaksihan ng piling mga bituin.

 nakita niya agad si D, basa ang katawan nito halatang lumublob sa malungkot na alon ng karagatan ng mga sandaling ‘yon, testigo ang dilim at ang alon sa nilalamat na nilang pag-iibigan.

malayo ang pagitan ni Aw at ni D sa paglalakad habang pasigaw na nag-uusap, pero pilit nilalakihan ni Aw ang mga hakbang para maabutan si D. tumakbo si Aw at hinarang ang direksyon na tinatahak ni D, muling nagtama ang mga mata nila ngunit parang walang ibang nakikita si D kundi ang paligid . tumayo si D at iniangat ang ulo na parang may inaangasan.

**

"Ako ba ang may problema o ikaw?", pasimula ni D. "tutal ayaw mo rin naman akong tigilan dididretchuhin na kita, ikaw ang may kasalanan kung bakit ako miserable ngayon?"

"ako?", di makapaniwala si Aw. "ako ba ang pumipili ng desisyon para sa’yo"

"dati tayong dalawa ang sabay na nagpapasya para sa isa’t-isa, pero binitiwan mo ako"

"kahit ikaw lang ang madalas na nasusunod", mabilis na balik ni Aw.

"dahil madalas hinihingi mo ang opinyon ko"

"pero lagi’t-lagi pinipilit mo ang gusto mo"

"dahil sa tingin ko yun ang tama"

"at hindi ka sanay ng wala ako para pasunurin sa mga gusto mong maging ako, kaya ka ba nagkakaganito ngayon?"

"kasi nabuhay na ‘ko kasama ka", inalog niya ang balikat ni Aw

"alam mo D, wag mo akong sisisihen sa katangahan mo"

"tanga pala ako e, bakit ako ang shinota mo sana yung iba nalang, sana hindi nalang ako, sana ‘don ka nalang sa mas mayaman.. mas gwapo, yung hindi ka pinagmumukang kakatawa, yung ‘di kaga—"

"pinili kita kasi mahal kita", natahimik si D, nakaduro ang hintuturo ni Aw sa kanya. "hindi sa kahit na anong bagay na pinagsasabi mo, pero baka nga tama ka, sana nga siguro ibang tao nalang."

umupo si Aw sa pinong buhangin, ginawang patungan ang mga braso at ipinahinga ang baba’t pinagmasdan ang dilim at nakinig sa alon ng pakikiramay sa kanila ng dagat.

"dahil sa’yo kaya hindi ko napansin na hindi lang pala sa’tin dapat umiikot ang mundo"

"bakit D, sinabi ko bang kalimutan mo yung iba?"

"ikaw ang dahilan kung bakit hindi ko na-enjoy ang highschool life ko", kalmadong sumbat ni D.

"patas lang naman tayo a, ako din naman", nakatulala si Aw sa dilim, mahinahon. "magkaiba ang kaibagan sa ka-relasyon, hindi mo kami kayang pagsabayin"

"bakit, hindi?"

"hindi lang oras ang dapat mong bilangin dapat pati ang panahon, pumili ka kung alin ang uunahin mo"

"pinili kita"

"kaya hindi ako ang may kasalanan, D"

"hindi tayo patas", umiiling- iling si D. "magkaiba tayo, magkaibang-magkaiba!"

"bakit, diba sabi mo tayo lang"

hindi umimik si D nakayuko sisnisipa ang buhangin.

"may iba na ba", patuloy ni Aw, "hawakan mo ang buhok ko kung may iba ka ng mahal" iniangat ni Aw ang ulo. "mas maganda ba ang buhok niya kesa sa’kin?"

"wag mo akong baligtarin", nakatitig si D sa kawalan kung saan tahimik ring minamasdan ni Aw. "bakit mo ko iniwan"

"hindi kita iniwan"

"e, anong tawag ‘don"

"sakripisyo"

"sinakripisyon mo ko para sa pangarap mo"

"natin", tumayo si Aw, hindi na niya nagwang pagpagan ang pwitan. "para sa’ting dalawa ‘yon D, hindi mo ba ‘yon naiintindihan?"

"kasi nga bobo ako"

"hindi ka bobo, ginawa mo lang tanga ang sarili mo"

"katangahan ba na mahalin ka"

"hindi"

"e, ano?"

"tanga ka, kasi hinahayaan mong lamunin ka ng duda"

napangiti ng bahagya si D at masuring sinuklay ng kamay ang buhok ni Aw.

"alam mo, mas maganda parin ang buhok mo", tumalikod si D, walang paalamang naganap. tahimik lang niyang nilisan ang lugar at inabanduna ang pag-iibigan nilang dal’wa.

 

walang malinaw na hiwalayan, malabo sa kanya ang tagpong iyon. pero itinuring na ni  Aw na baka dapat na nilang palayain ang nakulong nilang pag-iibigan, tumingin pabalik si D na hindi naman nakita ni Aw, nag-untugan ng malakas ang mga alon dahil sa matinding hagupit ng hangin. hindi buo sa isip ni Aw kung ang paghawak ba ni D sa buhok niya ang dahilan kung bakit natagpuan niya ang sariling lumuluha.

"hawakan mo ang buhok ko kung meron ka ng iba", paulit-ulit na bumabanda ‘to sa loob ng utak niya. ginising niya ang nahihimbing na mga buhangin, wanasiwas niya ang paa’t dumampot ng bugkos na buhangin at ibinato sa kawalan. habang namamayani sa luwag ng dilim ang boses niya.

winakasan ang dating masayang simula, na lahat ng sinimulang kwento ay talagang nauuwi sa wakas…  talagang nasasakanila nalang kung magiging masaya, malungkot, malugkot na masaya o bitin ang kakahantungan ng lovestory na bubuuoin nila.

habang tahimik ang dagat na nakikinig sa kanya hinagis niya ang hulin bugkos ng buhangin, “permanente ang sugat na nakuha ko galing sa’yo, wala mang kirot pero sa loob alam kong nagdurugo ‘to, tinulungan mo nga akong gumaling… pansamantala lang pala, ikaw rin pala ang magbabalik ng sakit”.

iniiyakan nanaman niya ang nakaraan.

dadahan-dahan niyang pinulot ang sarili mula sa pagkakaupo at sinimulang harapin ang katotohan, pinilas niya ang kalendaryo sa harapan.  sininga niya dito ang malabnaw na uhog at sabay kinusot ng magkabilang manggas ang basang mata.

 iiyak man niya lahat ngayong gabi wala naring silbi lalo pa’t kung hahayaan niya na mamahay sa paligid niya ang mga alala ni D. mabilis niyang pinagbabaklas ang mga nakadikit at nakasabit na alala sa mga espasyong tahimik nilang pinanunuluyan sa makipot na bahagi ng kwarto ni Aw. tinipon niya ang lahat ng nag-uugnay sa kanila ni D: apat na set ng bra’t panty, putol na lapis (‘nakay D ang kabiyak), sapatos, pabango at kung anu-ano pang gamit pambabae, porselas, bato, tuyong rosas (unang bulaklak na natanggap niya)

"dapat within the night, wala na’ng mga ‘to", mariin niyang utos sa sarili.

 inalis niya ang laman ng lumang karton na naging pansamantalang tirahan ng mga libro niya, inihimlay muna niya ‘to pansamantala sa sahig at nangakong sandali lang. nilagyan niya rin ito ng sapin bago tuluyang ilapag, napamahal siya sa libro dahil kay D at masinop si D sa gamit kaya kahit papaano’y nakuha niya ang ilan sa mga ‘to. hinalughog ang buong kwarto at inihanda ang sarili sa demolisyon ng alaala. nagbakasakaling baka may mga nagtangka pang magtago, inurong niya ang aparador, binuksan ang drawer… hanggang sa nakumbinsi na niya ang sarili na baka wala na ngang ibidensya. binaklas niya ang nagmamatigas na picture sa frame na nakasabit sa pinto.

"kailangan walang bahid ng kahit na anong may kinalaman sa lalaking ‘yon ang matitira. oplan: kakalimutan na kita", patili niyang sinabi ‘yon habang pinanggigilan ng magkabila niyang palad ang dalawang magkaibang larawan ni D na galing sa nakabitin na frame. humarap siya sa salamin, doon masuri niyang pinagmasdan ang sarili mula sa kilay, tenga, ilong at partikular sa buhok. sa loob ng mahabang panahon naka-lugay ito dahil ito ang gusto ni D para sa kanya, na mas maganda raw ang babae kapag hinahayaan nitong nakababa ang mga hibla ng buhok. at sa mahabang panahon wala siyang ibang nadinig kundi ang mga opinyon, desisyon at pananaw ni D, nakalimutan na niya ang magdisisyon para sa sarili niya. panandaliang napunit ang kaliwang pisngi niya sa pag-urong ng labi dahilan para sumilip ang biloy nito. hindi pa siya kumbinsido sa mga pinababaklas na alalala, muli niyang inisip ang lugar, ang mga gamit hanggang sa…

"shet, yung mga papel", mabilis nitong tinalikod ang sarili sa salamin sabay padabog na kinompronta ang ilalim ng kama, muntikan ng maging mini-library sa sobrang dami ng papel ang ilalim nito. inalis niya ang lahat ng makakasagabal sa demolisyon at  walang awang papatayin kung sakaling may manlalaban.

 dito niya masinop na itinatago ang mga liham, libro at kung anu-ano pang gawa sa papel na bigay sa kanya ni D. hindi madumi ang ilalim ng kama niya, nagkataon lang dito niya iniimbak ang mga liham na para sa kanya ngayon ay isa nalang basura. hinakot niya ito ng may pagmamadali. samut-saring alalahanin ang nakaimbak sa ilalim at mananatili ‘to kung hindi pa niya biglang naalala.

"buti nalang naalala kong dito ko pinagtatabi ‘tong mga ‘to", pinagtama niya ang dalawang palad. inihawi ang pawisang noo kasabay ang nakasambulat na buhok sa mukha at nagpamewang.

maayos paring nilagay ni Aw ang mga alalahanin sa box. kapag hindi niya ito ginawa sya ang talo at siya ang mangungulila. inisip na lang niya na bilang maayos ‘din naman ito binigay ni D sa kanya, bakit hindi niya rin bigyan man lang ang mga ito ng konting hustisya kahit sa huling pagkakataon gamit ang pamamaraang alam niya, na hindi manggagaling sa opinyon ng iba, kahit ngayon lang siya muna ang mgadedesisyon para sa sarli niya:

 ”itapon at ‘wag ng sariwain ang nabigong alaala, papahirapan mo lang ako”

maluwag na ang kaninang masikip naman talagang espayo, malaki na rin ang naging bahagi ni D sa buhay niya at hindi ito namalayan ni Aw, kumain na pala ng malaking lugar sa paligid niya ang dati’y paisa-isang liham, pingan, baso, kutsara at kung anu-ano pang maisipan ni D na ibigay sa kanya. parang ang bilis nga ng panahon, noon magkasama nilang binubuo ang mga pangarap na magkahawak ang kamay, habang ngayon, bumubuo sila ng sariling pangarap sa pagitan ng dalawang magkaibang tulay at ang masama nito tuluyan na nilang ginuho ang dati nilang pinaghirapang itayong pangarap.

nang nakahanda na ang lahat para sa katatapos lang na demolisyon, dahan-dahan itong lumabas ng kwarto’t bumaba ng hagdan, napansin siya ng nanay niya na tulalang bumababa ng hagdan.

“‘san mo naman dadalhin yan, bata ka?”

"nay, ililibing ko na ho" tulala. nasa ika-apat na itong baitang.

"libing?"

"oho, nay"

"bakit, para sa’n"

"para hindi na ho ‘ko multuhin pa", ganap na itong nakaharap sa ina.

"nay, paminsan-minsan kailangan ko ring sundin yung sarili ko", ngumiti lang si Aw at dinikit ang ilong sa pisngi ng ina, naiwang nagtatanong ang kunot na noo ng ina.

Alam niyang kapag nagawa niya ‘to ganap na niyang mapapalaya ang sarili. lumabas siya papunta sa bakanteng lote na madalas niya ‘non na tapunan ng mga basura sa tuwing inuutusan ng ina. basura na rin ang tingin niya para sa mga bagay na dala-dala niya. hindi naman na makakatulong sa kanya kaya itatapon nalang niya, wala rin namang halaga ang mga ‘to sa kanya ngayon, gaya ng ‘di pagpapahalaga sa kanya ng taong nagbigay sa kanya ng mga ‘yon.

binuhos niya ang gas na parang mantika na nagpi-prito sa malaking kawa ng alaala, sabay kiniskis ang limang magkakayakap na palito. biglang lumiwanag ang kaninang madilim na lote.

nilamukos niya muna ang mga papel bago niya ‘to inihagis sa nagliliyab na bunganga ng dram. tapos na nga sila pero may kirot padin. winalisan ng kaliwang palad niya ang tumulong luha. wala namang tigil sa pagsinghot ang ilong niya. uhog lang ang saksi sa kabaliwan niya at maging ang namimintanang muta sa mata niya. hawak niya ang huling liham ni D, ang liham na minsang nagpapabalik ng kilig, nagpapangiti at nagpapalibog sa kanya. nagdadalawang isip siya kung pati ‘yon ay magiging kabilang sa aabuhin na alala. huminga muna siya ng malalim, tumingin sa itaas, humingi ng konting senyales kung dapat na ba niyang ihulog sa nagbabagang drum ang liham na ‘yon. yumuko siya ulit, pinagmasdan ang unti-unting pagkawala ng mga papel.

Bumalik sa kanya ang mga pangako nila noon sa isa’t isa. malayo na ang ibig sabihin ng salitang ‘ngiti’ kaysa noon, at lalo na sa puntong ‘to. pero alam niya na ngayon masaya siya. kasama sa binalikan niya ang masasaya nilang alaala na ngayon ay winawakasan na pero hindi pa tinutuldukan dahil nasa kanya pa ang huling liham.

 muli siyang tumingala,”langya oh, shooting star, pucha di pa ko nakapag-cross finger”, hawak niya sa kanang kamay ang huling liham ni D kaya hindi na siya nakapag-wish. naalala niya si D, patuloy na inaalala.

walang shooting star, sinariwa niya lang ang madalas na sabihin ni D tuwing magkatabi sila’t nagpapadamihan ng mga nahuling bituin.

"aabang ulit ako, pero baka hindi na sa’yo", kumbinsi niya sa sarili bago nag-ekis ang mga daliri nito. "pero baka wala nang lumabas, kasi hinihintay na kita?", tinitigan niya ang liham. sinariwa ang kilig, ngiti pati ang libog.

iisang tao lang ang kanina pa tumatakbo sa isip niya at nagpapakita, iisang dahilan lang ‘din kung bakit hindi niya ma-abanduna ang alaala. ‘yon ay si D, ang lalaking nagpapaiyak sa kanya ngayon. para kay Aw, iisa ang bituin at si D. pinaniniwala niya ang sarili na hangga’t may bituin mananatili ang relasyon nila.

sa probinsya parang putakte sa dami ng bituin kapag sumapit na ang dilim at ito ang nagpapatibay kay Aw para paniwalaing pang habang buhay ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa. nakalimutan niyang ‘pag umuulan at pag may kalamidad, hindi nagpapakita ang bituin, gaya sa mga sandaling gan’to. posibleng nandon lang, pero takot lumabas. tinanggal niya sa pagkaka-ekis ang daliri.

"ano ba ‘to, bakit ‘di ko magawa, bigyan mo naman ako ng sign", nagpapadyak siya at nanggigil sa sariling labi. naguguluhan na siya sa puntong ‘yon hindi na niya alam kung magreresulta ba ng maganda para sa kanya ang gagawin niya o baka lalo lang siya mangulila kay D kapag inihulog niya sa nagbabagang apoy ang natitira nitong alala.

Madali niyang nagawa ang paglamukos sa ibang papel maliban sa huling liham ni D sa kanya, dito kasi ipinangako ni D ang lahat-lahat sa kanila at ang isa pang nagpapakumbinsi sa kanya na ‘wag itapon ang liham ay sa kadahilanang nakasulat dito ang mga katangian niyang mahirap ‘daw’ hanapin sa isang babae. aminado naman si Aw na may ibubuga siya, pero alam din niya na wala siyang kakayanan para damputin ang sarili sa putik at putungan ng korona ang sarili. pero iba ang ipinadama ni D kay Aw sa tuwing magkasama sila at itinuring ni Aw ang lahat ng ‘yon bilang reseta ng pagkababae niya at kapag hinayaan niyang mawala ‘yon, paano nalang kung magkasakit siya.

si D bilang pekeng doktor at si Aw bilang tangang pasyente.

"ang liham at ang pagkababae ko ang susunugin ko ‘pag nagkataon", patuloy parin siyang nagtatadyak sa lupa. inabangan ang hinihinging sign galing sa mga bituin pero may limang minuto na siyang nakatingala at mababakas na rin sa mukha niyang binusog sa kolorete na nangangalay na ito. napangiwi nalang si Aw. umupo muna siya pansamantala pero hindi sumalampak, yung upo lang din nya kapag nangungumpisal sa banyo, walang isang kapiraso ang pagitan ng pwitan niya sa lupa. wala ng lakas ang mga binti niya para pagdebatihan kung ihuhulog ba niya o hindi ang liham. muli niyang binuksan ang liham, binasa ang mga paboritong linya. nung una mata lang bumabasa hanggang sa ‘di niya namamalayang sinasabayan na pala ng bibig ang mata.

…patuloy parin kitang kakagatin, hangga’t kaya ng ngipin ko”, pinanggigilan niya ang labi sa kakiligan”dahil  ikaw lang, ikaw lang ang babaeng nagpadama sa’kin ng ganito. kahit akala ng marami may anak ka na dahil sa laki ng puson mo, para sa’kin busog ka lang… dahil kinain mo ang pag-ibig ko para sa’yo

halos namuo ang ugat nito sa leeg na parang may martsa ng higad, dahil sa pinigil nitong tili.

hinawi ni Aw ang buhok papasok sa pagitan ng tenga at pinagdikit ang labi ng may panggigigil na may kasamang pamumula ng mukha’t pagpusyak-pusyak ng mata. kahit ilang ulit niyang balik-balikan ang linya na ‘yon iisang emosyon lang ang nararamdaman niya ang kiligin ng kaligin… ng kiligin, ng kiligin ng paulit-ulit.

pero ngayon, buo na ang desisyon niya, pwedeng ito narin ang huling beses na pakikiligin siya ng liham ni D, pwedeng pagtayo niya mula sa pagkakaupo ay tapusin narin niya ang liham.

alam niyang walang shooting star na magpapakita sa kanya ngayong gabi, dahil kung meron man alam niyang hindi rin niya ito makikita. wala na siya sa probinsya kaya malabo na ang bituin, wala narin si D kaya dapat lang na kalimutan na niya ang liham.

binasá niya ang labi at tumayo. kung ano man ang desisyon niya siya nalang ang nakakaalam pero isang bagay lang nasisiguro niya hindi niya magagawang sunugin ang liham gaya ng ibang papel.

 nakapamulsang umalis si Aw, iniwan niya ang siga na siya mismo ang may gawa. maalab ‘to gaya ng nararamdaman niya kay D hanggang sa ngayon pero alam niyang matatapos at matatapos din ang alab nito, maglalabas ng usok at tuluyang mamamatay. babalik sa dating hitsura ang dram ngunit wala nang mananatiling ebisensya ng pag-iibigan nila.

nilingon ni Aw ang lugar na kaninang pinwestuhan niya.

alam niya na tamang hindi niya sinunog ang liham, dahil hindi ‘to makakadama ng pangmatagalang sakit. dahil naniniwala siya na kapag nagsimulang mag-apoy ang liham tapos narin ang kilig ang ngiti at ang libog na minsang idinulot nito sa kanya. alam niyang pangmatagalan ang epekto nito sa kanya,  kaya ninamnam ni Aw ang sakit, bawat pilas ay unti-unti niyang inihihiwalay ang ngiti, tinanggalan ng karapatan para muling kiligin at pinaralisang  makaramdam muli ng libog sa katawan, marahan niyang pinagpupunit ito kasabay ang pagkanta sa paborito nilang awitin, pero hindi ang linyang nagpapangit’t nagpapakilig sa kanya, tinago niya ‘to sa bulsa

mula sa bulsa kinuha niya ang piraso ng liham, muling binasa. nakaramdam ng kilig, bahagyang napangiti at walang anu-ano’y inihulog ito kalsada ng walang kalibog-libog.

kinumbinsi niya ang sarili na hindi na muling magiging tanga, ipinusod niya ang noo’y palaging nakalugay na buhok.

"wala ng dahilan para maging tanga pa ulit", iniwan niya ang punit na piraso sa sahig sabay naglakad at nagpagpag ng palad papaalis sa lugar.

 

                                          “kapag muling nagtama ang mga mata natin, mapapanggap akong walang nakita.”

                                                                                                                                                            -Aw

+ Load More Posts